Melting The Zombie Inside You

Have you guys watched “Warm Bodies” ? If not, let me just give you a summary of it.

It is about a zombie who eventually fell in love with a human girl who exterminates zombies. It seems that the heart of this zombie started to beat again when she fell in love to the girl. I know it is impossible to happen in real life but there is one thing that the story tells me and I am so bothered that I was even inspired to blog it here.

But before that, how do you become a “zombie” in real life? We all know that zombies do not exist in real life but, you can be one in some ways.

We all know that zombies are heartless and cold creatures. They were the once loving humans who enjoys their happy lives. They did not chose to be infected, but it is destiny I guess.

But you are not a zombie. So why become heartless and cold to other people?

I know that this may not apply for everyone reading it, but as a devout Catholic, I believe that we humans are created to love. Just like what our Christian Life teacher taught us in High School, “we are relational beings”. We communicate and we relate to other people. We talk  and we interact with other people. We don’t say “grruuuntt”  or “husss” to other people. We are not zombie after all. I know it might sound Utopian to have society like this, but don’t you think nothing is wrong in giving it a try? I mean, it helps you to feel better  than bitter. But the question is, how do you start it?

One word, Acceptance.

In the movie, I think that the corpses ( that is how they call the zombies ) are not the real zombies. I believe that the real “zombies” are the humans who do not accept the potential of these corpses to be alive again, to be a human again. Their lack of acceptance to other people makes them “the real monsters” in the movie.

Now going back to reality, have we ever sometimes became a zombie to other people? I myself became infected by this contagious disease of being cold and heartless to other people. But still, I struggle a lot to go out of my box and be a relational being. You, as a reader of this blog, have you sometimes ignored someone when he or she greets you, hello, hi or good morning? Or maybe became insensitive to the feelings of other people. And right this morning, I wish that you reflect and let your heart melt. Let it flow to your body and be mindful that you live in a world of humans, not zombies.

Good Morning! 🙂

 

—————— Juan Makata 9:09 am, May 21, 2013

 

 

 

Advertisements

Alay Wika

Honestly, I don’t know how to start this. I don’t want to start emotionally because that might ruin my mood or start happy because it might project my coldness towards you, I think I should start by remembering. Yes, remembering the times you praised me for my correct answers. Encouraging me to do better. Believing me that I have a talent. A talent that I never knew until I met all of you.

In all the subjects, I have no idea why your subject has been my favorite for the past four years. It may be because I love history and reading Noli and El Fili gives me a glimpse of the past. Or maybe because I am fond of poems about love such as F at L. But as I examine myself, it all roots down to one thing. I appreciate your subject simply because I am a Filipino. As I appreciate this subject, I discovered that it is not merely a subject but a culture. A culture of art and at the same time, a science. Art in expressing one’s message to other people. A science in converting one’s words as a weapon of change.

Until now, I really find Filipino as an amazing subject. I might sound biased in this statement for everyone knows it is my favorite subject but I am speaking here as an ordinary student. This subject developed me to become more human. It helped me to relate more to the common and become open minded in becoming a true Filipino.

Bilang pinaka-mahalagang bahagi ng sanaysay na ito, nais kong ipahayag ito sa wikang pinaghirapan ninyong ituro sa amin sa Mataas na Paaralan. Kung noong nasa unang taon ako, inihambing ang Filipino sa isang karanasan ng pag-langoy, hayaan po ninyo  sana akong magbigay ng sarili kong bersyon kung paano ko naranasan ang Filipino. Ang Filipino para sa akin parang isang canvas. Sa simula ito ay blangko. Walang laman, walang marka ng isang hibla ng lapis. Ngunit habang tumatagal, ito ay nagkaka-kulay. Nagsimula kong pag-aralan ang aking wika na tila isang blangkong canvas. At ngayon, magtatapos ako mula sa mataas na paaralan na makulay ang aking wika. At kayo ang dahilan nito. Kayong mga guro ko ang nagdadag ng kulay sa aking wika. Maraming salamat dahil tinulungan ninyo akong gumawa ng isang obra maestra. Isang likha ng sining na kayo ang lumikha. At dahil dito, lubos kong iingatan ang sining na ibinigay ninyo sa akin. Babaunin ko ito sa kolehiyo na may buong pagmamalaki at dangal.

Maraming Salamat aking mga guro. Iniaalay ko sa inyo ang sanaysay na ito.

P.S. Kayo ang dahilan kaya naipanalo ko ang gantimapalng Pinaka-Pinoy sa aming Grad Ball! Maraming Salamat Po!

Bakit Ang Buhay Ay Sadyang Kay Tamis Ngunit May Halong Pait

Naalala ko pa,  naisipan kong isulat ang post na ito noong nasa ikalawang taon pa lamang ako sa Mataas na Paaralan. At noong hinahalungkat ko mula sa aking isipan kung bakit nga bang naisipan kong mag-sulat nito, naisip ko na lang na kung minsan, ang tao ay nadadala sa kanyang emosyon. Minsan, ang tao ay pabigla-bigla sa kanyang damdamin nang hindi naiisip kung ano ang sinasabi niya. Tulad na lamang ng nakikita ninyo ngayon sa pamagat na hanggang ngayon ay hindi ko maalala kung bakit ko naisulat. Siguro dahil sa mababang grado? O baka naman sa sawing pag-ibig? O pamilya? Hindi ko na maalala kung ano ito.

Siguro bilang panimula sa mundo ng blogging, maitatangi ko siguro ito  bilang isang paraan upang kumawala mula sa mundong ating kinalalagyan. Isang paraan upang pansamantalang tumakas mula sa masaya, magulo, mapait, na buhay natin, depende kung ano sa tatlo ang meron ka. Siguro isa itong paraan upang maibahagi mo ang iyong nararamdaman na hindi inaasahang may makikinig o may manunuod sayo. Para kang isang   sinto-sintong nakaharap sa harap ng salamin at kinakausap ang sarili mo ng paulit-ulit. Ngunit, sa pakikipag-usap mo sa iyong sarili, mas natutuklasan mo kung sino ka talaga.

At ngayon, kung babalikan kung bakit ko naisulat sa pamagat ang mga katagang “Bakit ang buhay ay sadyang kay tamis ngunit may halong pait!”, ito ay isang paraan ng aking pagkawala sa realidad at muling pagtuklas sa aking sarili.

Ngayong paalis na ako sa Mataas na Paaralan, naging salamin ko ang pamagat na ito upang mas isipin na ang buhay ay parang isang kape. Nasa nagtitimpla ang huling salita kung ang kape ay matamis o mapait. Nais kong simulan ang aking bagong kabanatang haharapin sa pamamagitan ng isang matamis na ngiti.

Halalan o Kalakalan?

Ang Pilipino ay dumaan na sa maraming mga henerasyon ng mga kandidato na naluklok sa ating pamahalaan. Marami ng klase ng pulitiiko ang nasilayan ng bawat Pilipino. Mayroong mga elitista na mula sa mga kilalang pamilya ng ating bansa. Mayroong mayayaman na tila pagmamay-ari na nila ang buong Pilipinas. Mayroon ring mga gusto rin lang sumikat at makilala kaya sila tumatakbo. Mayroon ring talaga namang wala lang magawa sa buhay. Pero teka. Bakit tila ganito na lang ata parati ang nagiging tingin ng mga Pilipino? Bakit parang ang sagradong karapatan ng pag-halal sa mga pulitiko ay nagiging isang negosyo.

Mayroon tayong mga pulitiko  na tila sila sila na lamang ang nagpapaktakbo. Sa ating batas, ipinagbabawal ang political dynasty ngunit malinaw nga ba sa ating lahat ang mga hangganan nito. Kung susuuriin ang dalawang salitang ito, ang dynasty ay nangangahulugang pag papamana ng pusisyon sa pamahalaan o lipunan. Pulitika naman ay nangagahulugang pamahalaan. Sa madaling salita, ito ay pagpapasa ng posisyon sa pamahalaan sa kapwa kapamilya. Eh bakit nga ba ito ipinag babawal? Ito ay sa kadahilanang magkaroon ng pagkakataon upang makapamuno sa pamahalaan. Sa ngayon ito lang ang alam ko, pero kung ano man ang nakasaad sa batas ay hindi ko na sakop iyon. Ang punto? Linawin ang patakaran. Dapat hayag sa lahat ng tao kung ano ang mayroon tayo sa batas. Hindi yung iilan lamang ang nakaka-alam. Ang hirap kasi sa atin, kaunti na nga ang nakaka-alam, hindi pa ipinapaalam sa iba. Eh pano yung mayroong walang-wala? Lalong wala? Patay,,,

Pangalawa naman sa mga usap-usapan ngayong halalan ay kung mayroong karapat-dapat na ihalall ngayong eleksyon. Hindi mo ba napapansin? Pareparehong pangalan ang makikita. Tila ba umay na ang mga Pilipino sa mga inihahaing kandidato sa kanila. Ngunit, sabi nga nila, kung ano ang nakahain, iyon ang kainin. Sa hapag kainan, mayroong masarap na pagkain, mayroon rin namang saksakan ng pangit ng lasa. Ngunit ano ba ang mahalaga para sa katawan? Iyon ay ang kalusugan. Inaamin ko masarap nga naman ang litson, adobo, tinola at kung anu-ano pa. Pero makabubuti ba ang mga ito sa kalusugan? Siguro pero dapat balansiyado. Iwas din tayo sa mga “junk food” dahil ito ay makasasama sa kalusugan.

Ganyan rin ang halalan. Kahit gaano pa kasarap ang maibigay na pang meryenda sa inyo. Kahit gaano pa kalaki ang utang na loob mo sa pulitikong ito. Kunsensiya pa rin ang masusunod… DAPAT MASUNOD. Hindi dapat magpabaling sa mga impluwensiya ng kung sino man. Tandaan mo, na sa iyo ang huling hatol. Hatol na magpapabago sa lipunan sa susunod na tatlong taon.

Alam mo, maswerte ka at ikaw ay maaring bumoto. Sa ngayon hindi pa ako maaring bumoto dahil hindi pa akma ang edad ko. Pero ikaw. Ikaw na mas nakakatanda at mas may alam sa akin. Inaasahan kong tama ang gagawin mo.

Let The Techie Do The Talking

Si Juan at Pedro ay pumunta sa presinto para bumoto…

 

Juan: Oy umiinit yung PCOS

Pedro: Eh baka naman dahil summer? Nag-ooverheat?

Juan: Nako pano na yan may depekto ata…

Pedro: Edi tanungin natin si Ma’am baka may sira yung PCOS?

Juan: Eh maayos niya ba yan? Eh di naman nila  trabaho  ang pagkalikot niyan eh.

Pedro: Eh yun na nga.

 

Siguro tinantanong mo, ano ngayon? Karamihan sa mga taong nag-aasikaso ng halalan sa Pilipinas ay mga guro. Ngunit dahil sa pag-unlad ng teknolohiya, kinakailangan na rin na may katuwang ang mga guro natin. Hindi naman nating nais maliitin ang mga guro na baka kulang ang kanilang kakayahan sa pagpapatakbo ng mga PCOS machines ngunit mas mabuti na rin na mapagaan ang kanilang mga buhay. Hindi sila nag-aral ng apat na taon sa kolehiyo upang mangalikot ng mga makina. Mayroong mga ibang taong eksperto diyan. Sa katotohanan, maraming mga programmer at computer technician sa Pilipinas ang  nangingibang bansa para lamang makahanap ng trabaho. Sa aking palagay, bakit hindi bigyan ng COMELEC ng trabaho ang mga ito tuwing eleksyon nang hindi maging pahirap sa mga guro ang pag-aasikaso ng halalan. Hindi ko ninanais na mawala ang mgaa guro sa halalan. Sa halip, magkaroon ng pagtutulungan ang mga guro at mga technician sa pagpapatakbo ng eleksyon.

Isa lamang itong personal na panukala at hindi ko naman ninanais na maluugod ninyo itong tatanggapin. Mayroon pang tatlong taon bago ako bumoto. Sana sa pagboto ko, mabilang ang aking karapatan.

 

—–Juan Makata  9:23 am, May 14, 2013

 

 

Worth the Vote

Election. It has been a long day for everyone for candidates, voters and especially, non-voters. Some Filipinos, despite having the technology for faster access on polls, chose to abstain and not to vote. Their reason, “Wala naman kasing maayos na iboto eh.” Personally, as a non-voter, I really agree on this. The question is not “Who to vote?” but “Is there someone worth voting.”

The blame is not on the voters. The candidates  should prove themselves worthy. Then you might ask, what is a worthy candidate? I, too cannot answer that question straight. It is a tedious process to eliminate the categories of a worthy candidate. I have no reason to judge these candidates but there is one thing I would like to point out, “Are you sincere?”

Sincerity cannot be spoken of words, of promises or even materialistic things. Sincerity connects with the conscience. It might sound very abstract but I believe that our conscience can see through the masks of the candidates and see their true color. The saying “Vote through your conscience” is already a cliche for everyone. But, I think it would still be the best advice I can give to everyone.

So going back, “Wala naman kasing maayos na iboto eh”. If this is what the non-voters got from their conscience, then I guess our candidates are  not sincere enough

Wrong grammar? Feel free to edit/ comment. Grammar Nazis are welcome 🙂

——–Juan Makata 10:22 , May 13, 2013