Baha

 

Langit na madilim, marahang lumapit

Hangin na kay lamig, lakas ng hagupit!

Payong ko’y inilabas, panangga sa ulan

Ngunit di patalo, ang hanging kalaban

 

 

Tubig ay tumaas, hanggang talampakan

Mabilisang lakad, na pasuray-suray

O bakit ngayon pa? Sadyang kamalasan!

Ngayon ay mag-isa, at walang karamay

 

 

Sa gitna ng bagyo, sumilay ang tuwa

Dating sinisinta’y, muli kong nakita

Hindi mapakali, mahal ko’y nagbalik

Ngunit damdamin ko’y, biglang nanahimik

 

 

Isang binatilyo, ang sadyang lumapit

Mga kamay nila’y, mahigpit ang kapit

Matamis na ngiti, nasa mukha nila

Perpektong pares ng, binata’t dalaga

 

 

Biglang napaatras, basang mga paa

Luha ay umagos, sa ‘king mga mata

Umapaw ang tubig, sa pusong nalumbay

Dinaig ang dugo, pinawi ang buhay

 

 

Liwanag kumupas, paningi’y nagdilim

Tanging pag-asa ko’y, tinangay ng tubig

Puso ko’y inagos, ng bahang malalim

Muling nag-iisa, damdaming nalupig

 

 

Patuloy ang lakad, sa daang maputik

Sa daang nalugmok, ng pihagti’t inggit

Hiling ko sa langit, buhay ko’y ibalik

At nawa’y humupa, ang bahang balakid

 

 

Langit na madilim, tuluyang umihip

Ng hanging malamig, lumakas ang bagsik

Payong ko’y tinangay, wala nang pantakip

Sa lakas ng ulan, lahat tumahimik.

Image

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s