Kaso ano?

Minsan di mo talaga maintindihan ang pag-ibig

Mahal mo siya kaso di kayo talo.

Mahal mo siya kaso may iba nang sumusuyo.

Mahal mo siya kaso friends lang kayo,

Mahal mo siya kaso di siya totoo

Mahal mo siya kaso “I have to settle my priorities eh sorry”

Mahal mo siya kaso may asawa na siya

Mahal mo siya kaso may boyfriend/girlfriend na siya

Mahal mo siya kaso matanda na siya

Mahal mo siya kaso ang bata niya pa

Mahal mo siya kaso di siya naniniwala sa love

Mahal mo siya kaso man-hater/girl-hater siya

Mahal mo siya kaso patay na siya (May ganito ba?)

Mahal mo siya kaso torpe ka (Madalas ‘to)

Mahal mo siya kaso ayaw sayo ng nanay/tatay niya

Mahal mo siya kaso malayo ka sa kanya

Mahal mo siya kaso lasenggero siya

Mahal mo siya kaso mayaman/mahirap siya

Mahal mo siya kaso sinasaktan ka niya

Mahal mo siya kaso gago siya

Mahal mo siya kaso babaero/lalakero siya

Mahal mo siya kaso mabait/masama siya

Mahal mo siya kaso makulit siya

Mahal mo siya kaso pinapaasa ka lang niya

Mahal mo siya kaso may kapansanan siya

Mahal mo siya kaso pangit siya

Mahal mo siya kaso bobo siya

Mahal mo siya kaso “High Maintenance” siya

Mahal mo siya kaso nag-aaral pa siya

Mahal mo siya kaso teacher mo siya

Mahal mo siya kaso boss mo siya

Mahal mo siya kaso foreigner siya

Mahal mo siya kaso binubugbog kanya

Mahal mo siya kaso di kayo pwede magkaanak

Mahal mo siya kaso “Out of your league” siya

Mahal mo siya kaso “I need to study eh sorry”

Mahal mo siya kaso tinatamad ka (ano raw?)

Mahal mo siya kaso “trabaho lang eh sorry”

Mahal mo siya kaso di ikaw ang “naka-una”

Mahal mo siya kaso malandi siya

Mahal mo siya kaso taken ka na

Mahal mo siya kaso kaaway ng pamilya mo ang pamilya niya (Romeo and Juliet lang?)

Mahal mo siya kaso hayop siya (Uhmm medyo weirdo na ‘to ah)

Mahal mo siya kaso di ka niya mahal

Marami pang kaso sa pagmamahal, pero ang mahalaga ay mahal mo siya 🙂

 

The Dinner Club

Sabog sa umaga, sabog sa hapon
Usapang matino? Maghintay ka ng ilang taon
Dumarating ang hindi inaasahang kaligayahan
Kapag sabog ang iyong isipan.

Noong ako’y lugmok at tila walang kaibigan
Kayo’y sandigan, kayo’y maasahan
Ako’y saling pusa sa inyong kapulungan
Ako ay inyong sinama nang walang alinlangan

Minsan naiisip ko, ako ay abusado
Di makatulong sa problema mo
Ngunit ako’y tinuringang tatay ninyo
Sa kaunting panahon, ako ay minahal ninyo

Sa kalawakang aking tanaw, mga tala ay nagkakalat
Hindi mahanap ang sarili sa kadiliman
Ngunit ang liwanag ng kapwa tala ang siyang naging gabay
Upang makilala ang liwanag na taglay