Alas Tres ng Umaga

Sa ganitong oras ay may gising na

Mayroong nagsasaing para sa agahan

Mayroon namang nagsasaka sa kabukiran

Mayroong nag-aabang ng isda sa palengke

Mayroon ring nagpupuyat sa call center

Mayroong nagpapatahan ng batang ngumangawa

Mayroong nag-aabang ng biyahe

sa mga pier, paliparan at sakayan ng bus

Mayroong nakababad sa internet, facebook, twitter

Tumblr o wordpress

Mayroong nakikinig sa paborito nilang musika

Mayroong nananalangin sa ikabubuti ng kanyang araw

Mayroon ring nagsisimba ng ganito kaaga

Mayroon ring mga nagliligawan

Sa kakateks ay inaabot ng puyatan

Mayroong gumagawa ng proyekto o takdang aralin

Mayroong nagpupuyat para sa trabaho

Mayroong ayaw gumising ng alas tres

dahil ito raw ay oras ng kasamaan

Mayroong mga gutom na hindi makakain

Mayroong mga nanlilimos sa kalsada

Mayroong nagsusulat at kumukuha ng balita

Habang ako nama’y nakaupo

Gumagawa ng tula.

Sa Pier

Inaantok pa ang buwan
At siya’y nakangiti sa isang bituin
Siya ay nagmamasid sa kalupaan
Natanaw niya ang isang batang gising pa’t
Nagsusulat sa gitna ng kadiliman
Sa gitna ng malamig na simoy ng hangin
Sa gitna ng mataong pier
Sa kanyang paligid ay magulo’t may rilim.
Hindi niya matanaw ang hangganan
ng dagat na minumulto ng kanyang ala-ala
Di niya masilip ang patutunguhan
Kasing dilim ng kanyang puso ang kalangitan
Iisang bituin lamang ang nagniningning
Isang bituin na hindi maaari
Isang bituin na hindi na sisikatan
ng dakilang araw
Sapagkat inangkin na siya
ng isang konstelasyon
Siya ay kasintahan na ni Orion!
Ang talang nakangiti sa buwan
ay may nagmamay-ari na!
Sa Pier kung saan sila ang may-ari ng kalangitan
Sa Pier kung saan kapiling na buwan ang kanyang mahal na tala
Sa Pier na may maraming paki-alamero, usisero at panggulo
Nagbubulungan sa madilim na kalangitan ng buwan at ng bituin
Hiling na mga tao’y si Orion ay lumitaw
Upang maliwanagan ang madilim na kalangitan
Hindi ito pinansin ng batang malay
Sapagkat nararamdaman niya ang pag-ibig ng buwan
Tila naakit na siya
Sa pagmamahalan ng tala at buwan.

Inspi-rationed

Ang inspirasyon ay isang kidlat

Hindi malaman kung kailan o saan ito babagsak

Maaring marinig ang kulog nito

Ngunit huli nang makikita ang liwanag

Maaaring gambalain ka niya

sa umaga, hapon, tanghali, gabi

kahit pa man sa madaling-araw.

Parang iyak ng sanggol

Hindi ito tatahan

Hangga’t di mo nasusulat

Hanggang sa panaginip

ay alipin ka niya

Wala siya kung kailan kailangan mo siya

Sasaksakin ka niya sa likod

At ang utak mo ay tila kinukuryente

Nagliliyab sa liwanag

The Black Dog and the Trash

At the darkness of the night

The wind struck with a frost bite

The stars are numbered at the 

black sky

As the land breeze touched the sea

 

A black dog stood beside the bin

Gaping wound in his heart, his love spills

Helpless, restless, tired he is.

Waiting for scraps from people passing

 

He is poorer than the poorest beggar

for he is incapable of asking alms.

His howls are mute, his frowns are misunderstood.

Sniffing is the only way to survive

.

The black dog is just like the artist’s mind

He is seeking trash at the middle of a cold summer night.

No, he is not seeking. He is desperately begging

for a little inspiration from Him above

Ang “Pagpatay” Sa Escolta

Escolta is not dead! It is still dreaming. And so the people who loves the place very much.

Aurora Metropolis

UNANG-UNA SA LAHAT. Ipagpaumanhin po ninyo dahil naging inactive ang Aurora Metropolis nitong mga nakaraang buwan. Pero sobra akong nagpapasalamat at nakakataba ng puso na makitang mataas pa rin ang bilang ng mga bumibisita rito. Abala po ang inyong lingkod sa paghahanda sa isang malaking adbokasiya. Ito po ay ang Escolta na siyang malugod kong ibabahagi sa artikulong ito.

Kailan ba maituturing na patay na ang isang lugar? Ano ba ang mga senyales na ang partikular na komunidad o siyudad ay patungo na sa estadong hindi na nito kayang tumindig sa pundasyong pinilay ng trahedya? Sino ang makapagsasabing ang kamatayan nito ang naging mitsa ng paghihingalo ng lungsod na minsang kinilala ng daigdig bilang prinsesa ng Malayong Silangan?

Wala akong mahalagang alaala ng aking kabataan sa Escolta, maliban na lang sa mga sandaling dinadala ako ng aking kuya sa Simbahan ng Sta. Cruz. Doon kasi dumadaan ang jeep na…

View original post 1,820 more words

Leaves

Your leaves are more beautiful than your petals, my lovely flower.

Your leaves that don’t bloom at all!

Your leaves that are hidden, unseen.

Your leaves that are plain green,

but its sweet dew is what brings me to life!

The bees and butterflies will never see it

For they are only after your sweet nectar.

 

But a thirsty man, seeking for life, begs to quench himself

Those leaves that provides the beauty of the petals

Those leaves that is always sweet but never ripens

Those leaves that humbly fall to the ground

Those leaves that I have first seen

Even before I noticed your white petals bloom.

 

[Picture not available. Privacy Reasons]

Sketch

Charcoal scattered around the table

a canvas stands by the artist’s chair

He helds in his hand a picture of a girl

a smiling woman without fear.

 

As lines scattered along the canvas

shades of black and white invaded the white space

a smile was drawn from the frowning face saying

“A flower perfectly matches your name”

 

Darkness overruled the disheveled hair

Of the girl whom he ever thought.

Her eyes sparkle in the white canvas

and like imperfect stars, her teeth dazzle with the smile

 

The artist had knew she is beautiful.

He had created an obra maestra!

But then a thought came to him.

“This is not her. She is not real”

 

The artist tore his canvas apart

He punched through the thin white linen

Cut the threads and break the wooden frame

And burned every part of the masterpiece 

 

This is not the beauty he saw.

It is not the beauty he wants to portray

For no artist could ever show

The beauty inside her skin.