Sa Pier

Inaantok pa ang buwan
At siya’y nakangiti sa isang bituin
Siya ay nagmamasid sa kalupaan
Natanaw niya ang isang batang gising pa’t
Nagsusulat sa gitna ng kadiliman
Sa gitna ng malamig na simoy ng hangin
Sa gitna ng mataong pier
Sa kanyang paligid ay magulo’t may rilim.
Hindi niya matanaw ang hangganan
ng dagat na minumulto ng kanyang ala-ala
Di niya masilip ang patutunguhan
Kasing dilim ng kanyang puso ang kalangitan
Iisang bituin lamang ang nagniningning
Isang bituin na hindi maaari
Isang bituin na hindi na sisikatan
ng dakilang araw
Sapagkat inangkin na siya
ng isang konstelasyon
Siya ay kasintahan na ni Orion!
Ang talang nakangiti sa buwan
ay may nagmamay-ari na!
Sa Pier kung saan sila ang may-ari ng kalangitan
Sa Pier kung saan kapiling na buwan ang kanyang mahal na tala
Sa Pier na may maraming paki-alamero, usisero at panggulo
Nagbubulungan sa madilim na kalangitan ng buwan at ng bituin
Hiling na mga tao’y si Orion ay lumitaw
Upang maliwanagan ang madilim na kalangitan
Hindi ito pinansin ng batang malay
Sapagkat nararamdaman niya ang pag-ibig ng buwan
Tila naakit na siya
Sa pagmamahalan ng tala at buwan.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s