Pasmado

Pawis at tubig ay sadyang naghari

Sa mga kamay na rosas ng kanyang irog

Nangunang sumubok ang may lakas ng loob

Upang abutin ang daliring dumanas

Ng pait, Sakit, hirap at mga himutok

Mga daliring pagal na sa kalinga niya

Mga kamay na uhaw sa pawis ng kabiyak

Ang madulas na daloy ng ilog sa palad

Habang ang berso ng kantang kay tamis

Ang siyang inaalala

Malapit nang madatnan ang dulo

Ang hangganang babatid sa kapit-tukong pagsasama

Mga basang kamay ay malapit nang magsilisan

Malapit nang magkaiba ng landas

Sa huli ang pawis ng isa’t isa ay sadyang kakapit

Mga kamay nila’y muling mananabik

Upang muling mahagkan ang mga daliring pinatid

Ng oras, lugar, at ng kapangyarihan

Ang mga daliring ayaw maghiwalay

ay muling aasang magkatagpo kinabukasan.

Muling mangangarap na bukas

Magkapiling muli sila.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s